"Wala sa Biblia iyan!" ang palaging bukambibig ng mga anti-Katoliko sa atin sa tuwing tinutuligsa nila ang mga doktrina ng Simbahan. Subalit hinahamon natin sila: "Wala nga ba talaga sa Biblia, o hindi mo lang makita sa Biblia?" Ang katotohanan ay nananatiling katotohanan nakikita man ito o hindi ng isang nagmamagaling na anti-Katoliko. Maraming bagay sa mundong ito na bagama't hindi natin nakikita ay umiiral. Maraming bagay na palagi nating nakikita subalit hindi natin naiintindihan dahil hindi natin tinitingnan nang maayos. At marami ding bagay sa mundo na bagamat halata namang totoo, ay pilit pa ring pinasusubalian dahil hindi natin matanggap ang katotohanan.
Nagsisimula ang pagkatuto kung tatanggapin mo ang sarili mong kahinaan. Kailangan mong tanggapin na marami ka pang kailangang matutunan. Kailangan mong tanggapin ang iyong mga naging pagkakamali, at sikaping itama ang mga ito. Sarili mo lang ang niloloko mo kung patuloy kang magmamagaling, at ipagpipilitan ang sarili mong paniniwala.
Maraming Katoliko ang umaalis sa Simbahan upang umanib sa ibang relihiyon, subalit karamihan sa kanila ay hindi naiintindihan kung ano ba ang relihiyong iniwan nila. Maraming anti-Katoliko na tinutuligsa ang mga doktrina ng Simbahan, kahit na hindi naman nila naiintindihan kung ano ba ang mga sinisita nila. Marami ding tao na sadya lang talagang mapanlait sa kapwa dahil naniniwala silang sa pagsita nila sa mga inaakala nilang "mali" sa ibang tao, ay wala nang maaari pang sitahin sa sarili nila. At mayroon din naman na walang pakealam sa Diyos, at nililibak ang Simbahan dahil "trip lang" nila. Gustong-gusto nila na sila'y nakakalamang sa iba, at buhay na buhay ang kanilang mga dugo sa tuwing mayroon silang mga Katolikong naipapahiya. Ang Biblia ay nagsilbing kasangkapan ng kanilang mga pagmamapuri at pagbubuhat ng sariling bangko. Wala talaga silang intensyon na "itama" ang inaakala nilang "mali" sa atin. Ang tanging gusto lang nila'y tapak-tapakan ang ating pagka-Katoliko hanggang sa malagay tayo sa matinding kahihiyan at tuluyang iwan ang Simbahan.
May mga tao na kinakasangkapan lang ang mga usaping pangrelihiyon upang mapagtakpan ang mga personal na problema at kasiraan — mga "Cristiano" na walang nagagawang magaling sa kanilang relihiyon, kaya't itinutuon na lang ang panahon sa pagtuligsa sa Simbahang Katolika at sa paghahanap ng lahat ng posibleng kapintasan sa mga pari, sa pag-aakalang ang paninita sa pagkakamali ng iba ay maaaring ipampalit sa sariling responsibilidad na magpakabanal. Sila ang mga taong tuwang-tuwa sa pagsasangkalan sa kanilang mga "sakripisyo" at "pagsisikap" na agawin ang mga umano'y "Katolikong bihag ni Satanas". Sila ang mga "Cristiano" na naghahanap ng batong ipupukpok sa sariling ulo, na matapos mamerwisyo sa mga Katolikong naubusan na ng pasensya sa kanila, ay sasabihin pang "Inuusig kami ng mga Katoliko!"
Ang website na ito ay resulta ng mahaba-habang panahong ginugol ko (at patuloy na ginugugol) para ipagsanggalang ang aking pamilya, ang aking mga kaibigan, at ang aking sarili mula sa mga sari-saring tumutuligsa sa Simbahang Katolika. Hindi mo kailangang uminom ng lason para masigurong malusog ang sikmura mo. Hindi mo kailangang iumpog ang ulo mo sa pader para patunayang matibay ang bungo mo. Hindi mo kailangang tumingin sa mga malalaswang larawan para masubukan kung malinaw nga ang mga mata mo. Hindi mo kailangang "magsuri" sa mga sari-saring denominasyong "Cristiano" na naglipana sa daigdig (na pawang resulta lang ng Protestant Reformation noong ika-16 na siglo) para lang makatiyak na ang Simbahang Katolika ay tama. Maikli lang ang buhay ng tao, at may hangganan ang kakayahang makapag-isip nang maayos. Sa halip na lasunin natin ang ating isipan sa mga ipinagpipilitang opinyon ng mga anti-Katoliko, unahin nating makinig sa itinuturo ng Simbahang Katolika — ang ORIHINAL na Iglesia na itinatag ng Panginoong Jesus noong 33 A.D. sa Jerusalem. Ito ang Simbahang "HALIGI AT SALIGAN NG KATOTOHANAN" (1 Timoteo 3: 15). Ito ang Simbahang nakatayo "SA IBABAW NG BATO" (Mateo 16: 18). Hinahamon tayo ngayon ng Panginoon: "Ibig din ba ninyong umalis?" (Juan 6: 67). Kaisa ni Apostol San Pedro, ang unang Papa, sana'y masabi rin natin sa Panginoon: "Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan!" (Juan 6: 68).
- MCJEFF
Diyos
Biblia at Tradisyon
Simbahan
- Ang Tunay Na Simbahang Itinatag Ni Cristo
- San Pedro, Unang Papa
- Iskismo Ng Tatlong Papa
- Iglesia Ni Cristo: Pangalan Ng Simbahan?
- Kulto Ba Ang Simbahang Katolika?
- Masama Bang Maging Korporasyong Pang-relihiyon?
- Ano Bang Meron Sa Acts 23:11?
- Ako Ay Iglesia Ni Cristo?
- Pentekostes: Kaarawan Ng Simbahan?
- Emperador Constantino: Pasimuno Ng Katolisismo?
- Pagkakahiwalay Ng Simbahan At Estado
Kaparian
Maria
- Maria: Ina ng Diyos, Ina ng Simbahan
- Kecharitomene
- Maria: Kalinis-linisang Paglilihi
- Mas Pinagpala Ka Ba Kay Maria?
- Babae, Anong Pakialam Ko Sa Iyo?
- Pagsamba Kay Maria: Itinuro ba ng Vatican II?
- Maria: Birhen Magpakailanman
- Maria: Iniakyat Sa Langit Nang May Katawan At Kaluluwa
- Maria: Iniakyat Sa Langit
- Mali daw ang "Mother of God" dahil sa John 1:18?
Mga Santo, Imahen, at Relikya
Panalangin, Debosyon, at iba pang Nakagisnan
- Panalanging Mula Sa Puso
- Ang Aking Opinyon Hinggil sa Tamang Postura sa Tuwing Dinarasal ang "Ama Namin"
- Labag ba sa Biblia ang Pagrorosaryo?
- Labag ba sa Biblia ang Simbang Gabi?
- Miyerkules ng Abo
- Ang aking Opinyon hinggil sa "Papa Jesus"
- Masama bang Magdiwang ng Kaarawan?
- Ang aking opinyon hinggil sa Halloween
- Mga Paglilinaw Hinggil sa Pasko
Mga Sakramento
Mga Huling Bagay
Mga Pag-uusig, Anti-Katolisismo, at iba pang Kabalbalan ng mga Sikat at Pasikat
- Ang Anti-Katolisismong di mo dapat Pinoproblema
- Porke't Marami, Mali na Lahat?
- Ang aking Opinyon hinggil sa House Bill No. 4633
- Ang Kaplastikan Ng National Bible Sunday
- Ang Aking Opinyon Hinggil kay Maxene Magalona
- Nilapastangan ba ni VP Robredo ang Novaliches Cathedral?
- Namatay bang anti-Katoliko si Rizal?
- Block Lang Nang Block
- Mga Anti-Katoliko sa Facebook
- Diyos ang Binastos, Pero sa Kung Sinu-sino Humingi ng Tawad?
- Sinong Gusto Mong Maging Santo Papa?
- Mga Kabalbalan ng Wattah Wattah: Kasalanan ba ng Simbahan?
- Pagsisiyasat sa mga Nakasanayang Apolohetika
- Atis: Isang Komentaryo
Mga Pagmumuni-muni atbp.
- Mga Pagmumuni-muni #1
- Ang Papel ng Santo Papa sa Pagpapanatili ng Kaisahan
- Lucas 1:28: Patunay sa Walang-Dungis na Buhay ni Maria
- Ang Sinaunang Kaugalian ng Pananalangin sa Mahal na Birhen
- Mga Pagmumuni-muni #2
- Ang Kahalagahan ng Iba't Ibang Reperensya sa Apolohetika
- Ang Tunay na Pag-unawa sa Biblia: Pag-iwas sa Pagmamarunong
- Bakit "Ina ng Diyos" ang Dapat na Tawag kay Maria
- Mga Pagmumuni-muni #3
- Nakakatamad nang Magsulat ng Apolohetika
- Itinuro ba ni Pope Francis ang Erehiya ng Indifferentism?
- Ateismo ≠ Misoteismo
- Mga Pagmumuni-muni ng Isang Katolikong Walang Asawa
- Social Media
- Kapag may Kapamilya Kang Naaakit sa Ibang Relihiyon
- Hindi Porke't Katoliko Ako
- Kung Gusto Mong Maging Perfect
- Ang Matuwid na si Lot
- Marami ka bang alam sa Biblia?
- Meron ka bang Facebook account?
- Mahirap Magpatawad
- Mga Personal na Tanong Tungkol sa Santo Rosaryo
- Mahirap Manalangin
- Sino Raw Ako Ayon sa Google?